• January 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming kinilig at natuwa na nakitang magkasama AIKO, pinagdiinang hindi pa niya sinasagot si ONEMIG

PINAG-UUSAPAN ngayon sa social media kung may relasyon na ba sina QC Councilor Aiko Melendez at Onemig Bondoc.May ipinost kasi si Onemig na tila sweet photo nila si Aiko sa kanyang Instagram account na may caption na, “Happy together… after 29 yrs.”Maraming netizens ang naaliw, kinilig at natuwa sa post ng dating aktor.Maging ang anak ni Aiko na si Marthena Jickain at nag-comment na mukhang boto naman sa manliligaw ng kanyang ina.“Aww,” comment ni Marthena with heart emoji.Sinagot naman ito ni Uno ng, “hi mimi! Enjoy your time with your dad :)”Tugon naman ng dalaga, “thank you tito! [heart emoji]Say naman ng isang netizen kay Onemig, alagaan at pakamahalin daw siya si Konsi Aiko, dahil deserving ito ng true love, na hindi nakuha sa past relationships niya.Ayon sa netizens na kinikilig… “super bagay naman talaga grabeh! Road to forever yan.”“Sobrang kilig here. Pray ko talaga na kayo na forever.”“Wow haaa… after 29 years… meron pa palang ganito.. nakaka inspired kau. One great love, enjoy po Sir Onemig and Miss Aiko.”Sa isa namang TikTok live, inamin nga nina Onemig at Aiko na nagliligawan pa lamang sila at hindi pa sila magkarelasyon, ayon mismo sa aktres.“Are we bagay? Talaga ba? Should I give him a chance?” tanong ni Aiko.Sagot naman ni Onemig tungkol sa kanyang panliligaw, “I wish. Pero hindi niya pa ko sinasagot, e.”Ipinagdiinan din ng dating aktor at businessman na totoo talaga ang nararamdaman niya niya para kay Aiko, na halos tatlong dekada na siyang naghihintay ng chance.Nabuko nga ito nang mag-guest ang aktor sa YouTube vlog ng aktres noong December, 2025, na niligawan niya noon si Aiko, pero pinagpalagay niyang basted siya.Magkikita raw sana sila sa Subic pero mukhang inindyan siya ni Aiko.Rebelasyon ni Uno, “I was waiting for three hours and my friends didn’t know that I was waiting for someone, so hindi sumipot, so, I guess basted ako.”Sagot naman ng aktres at politiko sa isiniwalat ni Onemig, “Ako yung hindi sumipot. Bahala na kayo, sige na cheers tayo, sisiputin na kita sa Quezon City.”Sa kanilang TikTok live, sinagot ni Aiko kung bakit magkasama na silang dalawa sa Batangas, “Sinipot ko na kasi siya. Nag-usap kaming mabuti.“Probably kasi I wasn’t ready at the time, and I thought that he wasn’t serious.”May netizen naman na nag-comment na baka for the content lang kanilang muling pagkikita.Paglilinaw ni Aiko, “Hindi po kami gagawa ng pelikula nga po. Wala po kaming any project together.“You know naman that Onemig is not active anymore in show business. So it has nothing to do with tsismis o whatever.”“We’re just friends. Real friends,” banggit naman ni Onemig.At sa nakikita namin sa body language ng dalawa, posible na talaga maging sila, at kung destiny nila ito, wala namang makakapigil, di ba?(ROHN ROMULO)