Marami kasi ang nagsa-suggest na subukan: LIANNE, hindi sinasara ang posibilidad sa pag-join sa beauty pageants
- Published on April 29, 2025
- by @peoplesbalita
BEAUTY pageant season na naman, sa May 2 nga ay gaganapin na ang Miss Universe Philippines 2025 sa SM Mall of Asia Arena.
At si Lianne Valentin na isa sa may magagandang mukha sa showbiz, tinanong namin kung wala ba siyang plano na sumali sa mga beauty pageants.
“Parang wala pa. Ha! Ha! Ha!
“Kasi sabi ko nga… for the past few years, I’ve been focused with my studies din, pinagsasabay ko.
“And last year, [I] just graduated college, sa Cavite, ISHRM School System, iyon yung school ko, Business Administration Major in Human Resources.”
Bilang very busy na talent ng Sparkle GMA Artist Center, kinarir ni Lianne na tapusin ang kanyang edukasyon.
“Yes, pinagsasabay ko yung acting career ko and yung studies.
“And ngayon lang ako talaga nagka-time ng fully na dedicated yung time ko sa career ko talaga, sa acting career and talagang inaano ko pa siya e, parang pini-feel ko pa na talagang full-time.”
At graduate na nga si Lianne kaya focused na siya bilang artista.
“Dedicated na ako dito sa career ko.”
At tungkol sa pagsali sa beauty pageant…
“Malay mo naman, ang daming nagsa-suggest niyan sa akin, sa beauty pageants talaga.
“Malay natin, tingnan natin for the next few years, bata pa naman ako.
“I’m not closing my doors.”
Habang hindi pa siya sumasali sa beauty pageant, abala muna si Lianne sa pagpapaka-artista; kasali si Lianne sa cast ng horror film na Untold ng Regal Entertainment na palabas ngayong Miyerkules, April 30, sa mga sinehan.
Bida rito ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.
Kapuso si Lianne, tinanong namin siya kung kumusta makatrabaho ang isang Kapamilya na tulad ni Jodi?
“Sobrang saya! Kasi dati pinapanood ko lang si Miss Jods before, simula Be Careful With My Heart and alam mo yun, talagang isa siya sa mga nilu-look up to namin na mga Gen Z actors din.
“So alam mo yun, working with her is sobrang saya! I mean, sobrang smooth niya, sobrang gaan niya katrabaho and ang dami ko ring natutunan talaga sa kanya and I would really love to work with her for another project soon.”
Sa direksyon ni direk Derick Cabrido, nasa Untold rin sina Gloria Diaz, Mylene Dizon, Juan Karlos, Kaori Oinuma, Sarah Edwards, at Joem Bascon, at marami pang iba.
May bago ring proyekto si Lianne para sa GMA…
“Yes, I have an upcoming teleserye. Magsa-start pa lang kami, Akusada, iyan ang title.
“Kaming tatlo nila… Miss Andrea Torres and Benjamin Alves.”
Sa Apoy Sa Langit na umere sa GMA noong 2022, hindi man bida ay nag-trending si Lianne bilang kabit ng karakter ni Zoren Legaspi.
(ROMWEL L. GONZALES)