• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 4:25 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mapapahiya lang kung biglang tatakbo: ALLEN, mag-aaral muna bago papasukin ang pulitika

HINDI sumubok si Allen Dizon na pasukin ang mundo ng pulitika.May paliwanag naman siya tungkol dito sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan.Inihayag ni Allen na para sa kanya, sa pakiramdam niya ay hindi pa siya handa na pasukin ang daigdig ng public service.Lahad niya, Parang kailangan ko mag-aral kung papasukin ko ‘yung politics.“Kailangan ko munang i-set aside ‘yung career ko and family ko to enter politics.Pag-aralan mo kung papasukin mo ito kasi hindi basta-basta, e.“Baka hindi ko magawa yung… baka iboto ako ng mga tao, hindi ko magawa yung role ko, hindi ko magawa ‘yung bilang isang public servant or maging ano ka.“Baka mapahiya lang ako, pahayag pa ni Allen. Bida si Allen sa pelikulang “Fatherland”, sa direksyon ni Joel Lamangan at palabas na ito sa mga sinehan (Black Saturday, April 19).Bukod kay Allen ay nasa “Fatherland” rin sina Cherry Pie Picache, Richard Yap, Mercedes Cabral, Kazel Kinouchi, Ara Davao, Jeric Gonzales, Rico Barrera, Abed Green, Angel Aquino, at Jim Pebanco.Ang “Fatherland” ay mula sa produksyon ng BenTria Productions ni Benjamin Austria at Heaven’s Best Entertainment at line producer na si Dennis Evangelista. (ROMMEL GONZALES)