Manlalaro ng Philippine Tennis Academy, nanguna sa Juntaphil Cup
- Published on April 29, 2025
- by @peoplesbalita
Nanguna ang mga batang tennis stars mula Philippine Tennis Academy (PTA) na sina Arriana Reign Maglana at Louraine Jallorina sa Juntaphil Cup sa Rizal Memorial Tennis Center. Si Maglana, 13-anyos mula Davao de Oro, ay kampeon sa U14 singles matapos talunin si Vania Parawan, 7-5, 6-2. Kasama si Jallorina, 14-anyos mula Iloilo, ay nagtulungan sila upang manalo sa U18 doubles. Dagdag pa rito, si Jallorina rin ang kampeon sa U16 singles matapos lampasuhin si Chiara Mae Bate, 6-2, 6-1. Ayon sa PTA head coach Bobie Angelo, may malaking potensyal ang dalawang atleta. Kasama rin sa mga nanalo sina Jan Caleb Villeno (boys U12), Marcus Lorenzo (boys U14), at iba pa.