• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:02 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manila, Taguig naghigpit sa e-bikes, e-trike sa pangunahing lansangan

MAY dalawang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang naghigpit sa mga regulasyon ng e-bikes at e-trikes sa mga pangunahing lansangan ng Taguig at Manila.

 

 

 

Ayon sa isang report, ang mahuhuli na tumatakbo sa mga pangunahing lansangan ay kukunin ang kanilang mga e-vehicles dahil ang mga ito ay hindi registrado

 

 

 

Sa Manila, may mga babala ang nakalagay sa kahabaan ng Taft Avenue para sa mga tricycles, tok-toks, pedicabs at electric o e-bikes subalit makikita pa rin ang terminal ng mga e-trikes at triycle sa nasabing lugar.

 

 

 

Pinapayagan lamang ang mga e-trikes sa mga eski-eskinita upang dumaan subalit ayon sa isang e-driver ay wala naman silang makukuhang pasahero sa ganon lugar kung kayat hindi sila sumusunod sa regulasyon.

 

 

 

“We clarified that we are not depriving commuters of a more affordable way of transportation, but that the drivers must use local roads,” sabi ng lokal na pamahalaan ng Manila.

 

 

 

Sinabi ng isang driver ng e-trike na wala ng jeepney ang pumupunta sa pier at pag pinagbawal pa ang e-trike ay wala ng masasakyan ang mga pasahero.

 

 

 

“The city government of Manila favors registering e-bikes because when they are registered there will be proper education among drivers and we can correct the ages for those driving the e-bikes,” wika ni Manila spokesperson Princess Abante.

 

 

 

Sa lungsod ng Taguig naman ay isang anunsiyo ang nilabas ng lokal na pamahalaan na pinagbabawal ang e-trikes sa mga pangunahing lansangan dito tulad ng C-6, C-5 at Kalayaan Avenue.

 

 

 

Subalit ganon din ang nangyayari na may dumadaan pa rin sa mga nasabing lansangan kahit na ang mga ito ay nakikipagsabayan sa mabibilis na sasakyan sa mga nasabing lugar.

 

 

 

“There is no problem with e-bikes or e-trikes, however, since regulation is needed, registration and requiring a driver’s license for e-bike drivers is still a must,” saad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

 

Sinabi naman ng technical working group na binubuo ng mga iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at pinunong trapiko ng mga lokal na pamahalaan na lalabas ang mga regulasyon upang maregulate ang operasyon ng e-bikes at e-trike ngayon katapusan ng buwan

 

 

 

Ayon sa MMDA, may higit kumulang sa 500 e-bikes ang nasangkot sa mga aksidente sa Metro Manila ng nakaraang taon.. LASACMAR