• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MANILA LGU, NAGHAHANDA PARA SA FACE TO FACE CLASSES

NAGHAHANDA  na ngayon ang  Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa face to face classes.

 

 

Kabilang dito ang pakikipagtulungan sa Manila Health Department na siyang nangangasiwa sa pag-disinfect ng paaralan.

 

 

Sa inilabas na impormasyon ng manila public information office – sinimulan na ng Manila Health department ang paglilinis o pag-disinfect sa mga silid aralan sa mga public schools sa buong lungsod.

 

 

Kabilang sa nakiisa sa nasabing aktibidad ay ang manila disaster risk reduction management office kung saan preparasyon na rin ito sa muling pagbabalik ng klase base na rin sa kautusan ng department of education. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)