• April 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mambabatas, pinasalamatan si dating Speaker Romualdez, nagpahayag ng kumpiyansa sa bagong kapalit

PINASALAMATAN ni 1Tahanan Party-list Rep. Nathaniel Oducado si dating Speaker Martin Romualdez for sa kanyang naging dedikadong serbisyo at malakas na liderato sa Kamara.
Pinapurihan din ng mambabatas ang naging accomplishments ng Leyte solon, kung saan naging malaki ang naging impact ang kanyang guidance sa kongreso at sa buhay ng mga Pinoy.
“The greatest act of leadership is letting go with grace and honor. From his words, I sincerely thank former Speaker Romualdez for steering the House during challenging times and for championing measures that uplift our people,” ani Oducado.
Kasabay nito, nagpahayag naman ito ng kumpiyansa sa bagong lider ng kamara na si Speaker Faustino “Bojie” Dy III, na kilala sa pagiging mapagkumbaba.
“I believe Speaker Dy will continue to strengthen the House of Representatives and ensure that the interests of Filipinos are always prioritized. His leadership will give our people renewed hope for a better life,” pahayag pa ni Oducado. (Vina de Guzman)