Mall hours sa Metro Manila mula 11am-11pm – MMDA
- Published on October 20, 2025
- by @peoplesbalita
NAGKASUNDO ang mall operators at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na baguhin ang mall hours ngayong papalapit na ang Kapaskuhan bilang hakbang na maibsan ang inaasahang lalo pang pagbigat ng trapiko sa Metro Manila.
Itinakda ang pagsisimula ng malls operating hours sa Nobyembre 17, alas-11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi, na epektibo lamang ng weekdays, maliban sa holidays, na tatagal hanggang Disyembre 25.
“The Christmas season brings with it a 10 to 25 percent increase in vehicular volume in Metro Manila roads. By implementing these effective measures, we aim to provide a more manageable traffic flow for the holidays,” ani Artes.
Napagkasunduan na dapat magsumite ang mall operators ng kani-kanilang traffic management plan sa MMDA para sa kani-kanilang mga mall sales at promotional event dalawang linggo bago ang mga nakatakdang petsa ng naturang mga kaganapan. Ang mall-wide sale ay dapat lang isagawa kapag weekends at ang deliveries ng mnga goods ay dapat sa gabi lamang isagawa simula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Sususpendihin naman ang lahat ng road right-of-way excavation activities sa Metro Manila, na kinabibilangan ng road reblocking works, pipe-laying, road upgrading at iba pang excavation works, at exempted sa moratorium ang flagship projects ng gobyerno, DPWH bridge repair and construction, flood interceptor catchment projects, emergency leak repair, at iba pa.
Paiigtingin din ng MMDA ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) at clearing operations para mapabuti ang disiplina sa trapiko. (Gene Adsuara)