• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 3:27 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maling pagkakilanlan sa Pilipinong OFW, dapat managot

IGINIIT ng isang mambabatas na panagutin yaong nagkamali sa pagkakilanlan o misidentified na nasawing OFW sa Kuwait.
Nanawagan din si Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ng masusing imbestigasyon sa kaso ni Overseas Filipino Worker Jenny Sanchez Alvarado, na umanoy napagpalit ang bangkay sa isang  Nepali domestic worker na namatay din sa  Kuwait.
“This is a grave insult to the dignity of our OFWs and their families. Paano nangyari na ang bangkay ng isang Nepali national ang naiuwi sa Pilipinas samantalang ang pamilya Alvarado ay naghihintay sa kanilang ina? Malaking kapalpakan ito,” ani Brosas.
Ayon sa mambabatas, dapat managot ang  Department of Migrant Workers (DMW) at Philippine embassy sa Kuwait sa naging lapse sa protocol.
‘The incident has caused severe emotional distress to Alvarado’s husband and five children, who only discovered the wrong remains upon opening the casket at a funeral home in Cavite. We demand answers from the DMW and our embassy officials. Saan napunta ang bangkay ni Jenny? Bakit hindi maayos ang identification process? This negligence is unacceptable and someone must be held accountable,” dagdag nito.
Bukod kay Alvarado, nais din nitong paimbestigahan ang kaso ng dalawa pang OFW na namatay sa ibang bansa.
“We call for a full investigation into the deaths of these three domestic workers. Hindi pwedeng basta-basta na lang tanggapin ang explanation ng employer na suffocation ang dahilan ng pagkamatay. We need to ensure that there was no foul play involved,” aniya.
(Vina de Guzman)