Malapit nang mapanood sa serye na pagtatambalan… IVANA, ramdam na ramdam ang kakaibang paghigop ni JOSHUA
- Published on January 21, 2026
- by @peoplesbalita
SI Ivana Alawi ang isa sa mga original na celebrity endorser ng Brilliant Skin Essentials.
At after ilang years na nawala ito sa brand, hindi pala nag-stop ang communication at pagiging magkaibigan nila ng C.E.O. at President na si Ms. Glenda dela Cruz.
Parang timing nga na sabay pa sila halos sa pagbabalik. Last year, nagkaroon ng health issue si Glenda. Rason kung bakit medyo nag-lie-low siya ng konti.
Pero sa pagpasok pa lang ng taon, pasabog naman ang naging pagbabalik na tinawag na “A Beautiful Return to Brilliance.”
Pareho na silang dalawa na nagbabalik. Si Ms. Glenda na nasabing mas pabobonggahin pa ang Brilliant Skin simula ngayong taon, pero at the same time, mas alam na rin n’ya kung paano pahalagahan ang kanyang health.
At si Ivana bilang nagbabalik nga. Pareho sila halos ng sagot na kung may hinahangaan sila sa isa’t-isa, ito ay ang pagiging mabuting tao.
No doubt naman, lalo na at pareho rin silang mga generous, lalo na sa mga nangangailangan.
Sa isang banda, si Ivana, bukod sa bagong endorsement, malapit na rin ipalabas ang bago n’yang teleserye with Joshua Garcia na “Love is Never Gone” na kinunan pa sa Morocco.
Inamin naman ni Ivana na ramdam na ramdam niya ang pagiging ‘Higop King’ ni Joshua sa kanilang kissing scene. Hindi raw inasahan ng sexy actress na ganun kalakas at ibang klase na humigop ang aktor.
***
NAPANOOD namin ang premiere night ng pelikulang “Spring in Prague” na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao.
Hango sa real-life story ng isang Filipino na nakatira sa Czech Republic. Produced ng Borracho Film Production ni Attorney Ferdinand Topacio at sa direksyon ni Lester Dimaranan. Leading lady ni Paolo si Sara Sandeva.
Actually, sa location pa lang ng movie from Puerto Galera at Praque, sulit na ang mga manonood. At sa kuwento tungkol sa inter-cultural romance na napakarami sa mga Pinoy.
Suwerte ni Paolo dahil napakagandang opportunity ang ibinigay sa kanya ng Borracho Films.
Sabi nga n’ya na very grateful din naman talaga, “Lahat ng projects ko before this film ay sexy. Kung hindi sexy, kontrabida.”
Tingin daw n’ya, ang challenge rin sa kanya ay kung paano maging totoong leading man
“Isa sa mga natutunan ko dito at isa sa mga naging challenge ko is how to work my way around being a leading man and how to act naturally but in a cinematic way.”
Ang “Spring in Prague” ay mapapanood na sa mga sinehan simula sa February 4.
(ROSE GARCIA)