• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:38 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, tinitingnan ang sedisyon, pagtataksil sa bansa, laban sa ilang indibidwal na nasa likod ng nabigong pagtatangkang kudeta

MAGSASAGAWA ang Malakanyang ng masusing pagrerebisa kung maaaring maghain ng kasong sedition o treason laban sa ilang indibiduwal, kabilang na ang ilang retiradong military na nagtangkang magsagawa ng kudeta para pabagsakin ang administrasyong Marcos noong Sept. 21 anti-corruption protests .

“We will study what exactly transpired in the event so that if there are people that need to be made accountable, then they should be charged,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro,.

Sinabi ni Castro na hindi naman lingid kaalaman ni Pangulong Ferdinand Marxos Jr., ang suhestiyon “by a small group of people” para sa military na bawiin ang suporta mula sa kanilang Commander in Chief bago pa ang Sept. 21 protests.

Kapwa naman nag-commit ng kanilang katapatan sina Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at Acting Philippine National Police chief General Jose Melencio Nartatez Jr. para sa Konstitusyon at chain of command.

“The public should not be worried about these destabilization attempts,” ang pahayag ni Castro said, sabay sabing hindi nababahala ang Pangulo o nag-aalala sa mga bagay na ito.

Sa ulat, inamin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na may ilang retiradong opisyal ng militar na nanawagan sa AFP na bawiin ang suporta kay Pangulong Marcos sa gitna ng mga protesta hinggil sa umano’y iregularidad sa mga flood control project.

Ayon kay Brawner, sinubukan ng ilang retiradong opisyal na hikayatin ang mga aktibong sundalo at opisyal ng AFP na kumilos laban sa administrasyon sa pamamagitan ng coup d’état, military junta, o pag-withdraw ng suporta.

Gayunman, wala umanong natupad na ganitong hakbang sa panahon ng mga kilos-protesta noong Setyembre 21.

Tiniyak ng AFP chief na nanatiling tapat at propesyonal ang mga tauhan ng Sandatahang Lakas at walang sumunod sa panawagan ng mga retiradong opisyal.

Sinabi rin ni Brawner na naiparating nila sa Pangulo ang impormasyon tungkol sa mga panawagang ito, ngunit nagpahayag umano ng tiwala si Marcos sa AFP at sa kanilang liderato.

Kaugnay nito, iginiit ng Department of National Defense (DND) na walang banta o aktuwal na plano ng kudeta laban sa administrasyon, taliwas sa mga kumalat na espekulasyon. (Daris Jose)