• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 8:41 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang sa posibleng pag-aresto kay Harry Roque: ‘Wait and see’

WAIT and see.”

Ito ang naging tugon ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang nang hingan ng komento sa naging hamon ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa administrasyong Marcos na “come and get me.”

Sinabi ni Castro na hinihintay lamang Department of Justice (DOJ) ang formal notice sa asylum bid ni Roque.

“Ayon naman po sa DOJ ay naghihintay lamang po ng formal notice na patungkol po dito sa kaniyang asylum. Kung ang sinasabi po niya, ‘Come and get me,’ ayon naman po sa ating pamahalaan ‘Wait and see,'” ayon kay Castro.

Sinabi pa ni Castro kay Roque na hindi dapat nito minamaliit ang intelligence gathering at kakayahan ng intelligence officers ng bansa.

“Huwag niya pong ipagsawalang-bahala ang intelligence, ang assets po ng DOJ.At hindi naman po namin iti-telegraph ang mga punches ng gobyerno katulad ng kanyang ginagawa,” ang sinabi nito.

Nito lamang Huwebes, Hunyo 19 nang bitawan ni Roque ang katagang “come and get me” bilang tugon pa rin kay Castro na nakahanda raw ang gobyerno upang tuluyan siyang maaresto.

Matatandaang si Roque ay ikinokonsiderang nagtatago sa batas matapos maglabas ang Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 118 laban kay Roque at Cassandra Ong  dahil sa umano’y human trafficking kaugnay ng mga operasyon ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga. (Daris Jose)