• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 12:17 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang sa DENR, imbestigahan ang Masungi resorts

TINAWAGAN ng pansin ng Malakanyang ang  Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang napaulat na “construction and expansion” ng resort facilities sa Upper Marikina Watershed sa Masungi Georeserve.

 

 

Ayon kay Acting presidential spokesperson Martin Andanar, dapat lamang na imbestigahan ng DENR ang di umano’y illegal quarrying at mining activities sa protected area sa Masungi Georeserve sa Rizal province.

 

 

“Safeguarding the environment and natural resources is an important component in our sustainable development,” ayon sa kalatas ni Andanar.

 

 

Idinagdag pa nito na nag-aalala ang Malakanyang sa napaulat na illegal development activities sa nasabing lugar.

 

 

“We urge the (DENR) Anti-Illegal Logging Task Force to look into the matter and file the necessary charges against violators of environmental laws,” aniya pa rin.

 

 

Ang panawagan na ito ng Malakanyang sa DENR ay matapos na hilingin ng mga environmentalists at educators, sa kanilang joint letter, kina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at acting Environment Secretary Jim Sampulna na suspendihin ang quarrying activities sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape sa Rizal.

 

 

Noong nakaraang Pebrero 18, dalawang forest rangers ang nasaktan matapos na atakihin ng di umano’y residente ng Baras, Rizal.

 

 

Sinabi ng Masungi Georeserve Foundation (MGF) na isa sa mga umatake ay empleyado ng resort na nakatanggap ng cease-and-desist order mula sa DENR para sa building illegal structures sa loob ng protected area. (Daris Jose)