Malakanyang, pinabulaanan ang napaulat na suspensyon ni DOH chief Herbosa
- Published on August 29, 2025
- by @peoplesbalita
ITINANGGI ng Malakanyang na inilagay sa preventive suspension si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa dahil sa ga-bundok na kontrobersiya na bumabalot dito.
“From OP (Office of the President) and OES (Office of the Executive Secretary), wala po as of now na suspension of Sec. Ted,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Si Herbosa ay napaulat na nahaharap sa ilang reklamo, kabilang na ang di umano’y kaso na isinampa laban sa kanya ng mga empleyado ng DoH sa Office of the Ombudsman noong Hulyo, may kinalaman ito sa di umano’y hindi awtorisadong pagpapalabas ng P44.6 milyong halaga ng psychiatric drugs sa Rotary Club of Quezon City, na hindi awtorisado na magbigay ng mga medisina.
Naging paksa din ang Kaihim sa maanomalyang reklamo hinggil sa di umano’y paglilipat ng P1.29 billion na cash advances sa UNICEF mula Pebrero hanggang Hulyo 2024, maliban sa procurement request para sa P524 milyong halaga ng bakuna mula sa ahensiya. (Daris Jose)