• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, nagdeklara ng special non-working days para sa 3 lugar para ngayong September, 2025

NAGDEKLARA ang Malakanyang ng special non-working days sa tatlong lugar para sa buwan ng Setyembre, sa pagdiriwang ng kanilang Cityhood anniversaries at charter days.

Kabilang dito ang Tacurong City sa Sultan Kudarat kung saan idineklara ang special non-working day sa September 18, sa pagdiriwang ng 25th Cityhood anniversary nito at Talakudong Festival 2025 sa ilalim ng Proclamation 1003.
Ang Munisipalidaad ng Naval sa Biliran ay magkakaroon din special non-working day sa September 26, ipagdiriwang nito ang 165th Charter Day o Pueblo Day, sa ilalim ng Proclamation 1004.
Gayundin, ang Masbate City ay magkakaroon ng special non-working day sa September 30, sa pagdiriwang ng 25th Cityhood anniversary nito sa ilalim ng Proclamation 1005.
(Daris Jose)