Malakanyang, itinuturing na ‘political maneuvering’ ang posibleng paghahain ng impeachment case laban kay PBBM
- Published on January 13, 2026
- by @peoplesbalita
ITINUTURING ng Malakanyang na isang “political maneuvering” ang posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na alam nila ang impeachment claim, subalit binigyang diin na ang Pangulo ay nananatiling dedma at nakatuon lamang sa kanyang mga responsibilidad.
“The administration will not speculate on rumours or political maneuverings,” ayon kay Castro.
Sa ulat, may ilang mambabatas ang nagbabalak di umano na magsampa ng impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos Jr sa oras na mag-resume o magpatuloy na ang sesyon, ayon kay Rep. Edgar Erice.
“We have seen this statement made by a lawmaker. At this point, these are unsubstantiated statements allegedly coming from the supporters of a certain politician,” ani Castro.
“The President remains committed to leading and producing results for the Filipino people,” aniya pa rin.
Sinabi ni Castro na ginagalang ng Pangulo ang Saligang batas at naniniwala na ang anumang aksyon na gagawin ng mga mambabatas ay dapat na base sa ‘ katotohanan, batas at pambansang interes.’
“He respects the existing constitutional processes and believes that any actions taken by members of Congress will be driven by facts, the law, and national interest,” ang pahayag ni Castro.
Samantala, sinabi rin ni Erice na ang mga talakayan sa Kongreso ay hindi lamang nakatuon sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, dating kaalyado ni Marcos. Ang one-year bar rule para sa pagsasampa ng impeachment laban kay Duterte ay matatapos sa Pebrero 6.
( Daris Jose)