• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:16 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, itinanggi ang tsismis na nagbitiw na si Recto bilang Kalihim ng DoF

PINABULAANAN ng Malakanyang ang tsismis na di umano’y nagbitiw na sa puwesto bilang Kalihim ng Department of Finance (DoF) si Ralph Recto.
“Not true,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang text message sa Malacanang Press Corps (MPC) nang hingan ng kumpirmasyon ukol sa di umano’y pagbibitiw sa puwesto ni Recto.
Sa ulat, may X post na nakapangalan sa aktor na si Edu Manzano, kung saan inaabangan umano ang anunsiyo ng Malacañang para sa susunod na Finance secretary.
Batay sa X post, dalawang batikan umano sa larangan ng pinansiyal ang pinagpipilian kabilang na dito sina Monetary Board member Walter Wassmer at Government Service Insurance System (GSIS) director Emmanuel Samson.
Magugunitang, isa si Recto sa mga nagsumite ng kanyang courtesy resignation noong buwan ng Mayo matapos hilingin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang courtesy resignation ng lahat ng kanyang gabinete, subalit hindi tinanggap ng Pangulo. ( Daris Jose)