Malakanyang, irerekomenda na rebisahin ang class suspension policy
- Published on September 5, 2025
- by @peoplesbalita
IREREKOMENDA ng Malakanyang sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang pagrerebisa sa umiiral na polisiya pagdating sa class suspension.
Ito’y bilang tugon sa kamakailan lamang na apela ng Coordinating Council of Private Education Association (COCOPEA) na bigyan ang private school administrators ng sapat na kakayahan na magdeisyon kung isususpinde ang klase, lilipat sa online methods, o magtatalaga ng asynchronous tasks, matapos ang maingat na pagsusuri sa situwasyon na nakakaapekto sa kanilang stakeholders at sa academic calendar ng eskuwelahan.
“Opo, irerekomenda po ito sa NDRRMC,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Sa ulat, sinabi kasi ng COCOPEA na ang “blanket” at “automatic” orders of suspension ng klase ng Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng eskuwelahan sa mga piling lokalidad ay “hamper school preparations, discourage resilience in school communities, and devalue the education of students.”
“It also deprives school administrators of the proper exercise of academic judgment in matters affecting student learning, the number of school days lost, preparations for major examinations, and their overall development,” ang sinabi pa rin ng grupo.
Hinikayat naman ng grupo ang Pangulo na “support our call for a policy environment in education that prioritizes student safety while also promoting their quality education and consequently, their desired future.”
Samantala, sinabi ni Castro na pagdating naman sa deklarasyon ng suspensyon ng trabaho sa gobyerno, ang Office of the President (OP) at Office of the Executive Secretary (OES) ang gumagawa nito.
“Pero tandaan din po natin ang suspension po sa work ay nanggagaling po sa Office of the President or OES through PCO,” ayon pa rin kay Castro.
( Daris Jose)