• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:16 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, ipinag-utos ang implementasyon ng 2024 Nat’l Disaster Response Plan

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa lahat ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno na ipatupad ang 2024 National Disaster Response Plan (NDRP), isang strategic plan na naglalayong tiyakin ang napapanahon, epektibo at koordinadong disaster response.

Sa bisa ng Memorandum Circular (MC) 100, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nito lamang Sept. 23, ipinag-utos ang adopsyon at implementasyon ng 2024 NDRP, para “preserve lives, provide immediate assistance to affected communities, and minimize exacerbation of emergency situations.”

Inatasan naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa pamamagitan ng Office of Civil Defense (OCD), na pangunahan ang implementasyon ng 2024 NDRP, ayon sa MC 100.

“It is imperative for all national government agencies and instrumentalities, including government-owned or -controlled corporations, and LGUs (local government units) to support and cooperate towards the successful implementation of the 2024 NDRP,” MC 100, which takes effect immediately,” ayon pa rin sa MC 100.

Ang mga national government agencies, kabilang na ang government-owned and -controlled corporations, ay inatasan habang hinikayat naman ang LGUs na suportahan ang implementasyon ng 2024 NDRP at mga kaugnay na programa nito.

Ipinag-utos naman ng MC 100 ang mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng OCD at Presidential Communications Office (PCO) upang masiguro ang epektibong diseminasyon o pagpapalaganap ng 2024 NDRP sa lahat ng mga kinauukulang ahensiya at tanggapan ng gobyerno.

Huhugutin naman ang pondong kakailanganin para sa implementasyon ng strategic disaster response plan mula sa umiiral na appropriations ng kani-kanilang ahensiya, ‘subject to applicable laws, rules, and regulations.’

Samantala, inirekumenda naman ng NDRRMC ang adopsyon ng 2024 NDRP ara magbigay ng pangkalahatang direksyon sa lahat ng ahensiya at networks na kabilang sa disaster risk reduction and management, na may partikular na pagtuon sa disaster response.

Ang ‘ultimate goal’ ng NDRP 2024 ay “to save lives, ensure immediate assistance to affected communities, and prevent the worsening of emergency situations through a well-established and effective disaster response and early recovery system.” (Daris Jose)