Malakanyang, hindi na nagtaka sa sinabi ni Imee Marcos na may ‘group effort’ laban sa mga Duterte
- Published on April 29, 2025
- by @peoplesbalita
HINDI na ikinagulat ng Malakanyang ang pahayag ni Sen. Imee Marcos na may group effort na pabagsakin ang mga Duterte at arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Palace official Claire Castro, opinyon lamang ito ni Marcos at walang basehan. Si Duterte ay kasalukuyang nakakulong sa The Hague sa kasong crimes against humanity.