Malabueño students, ibinida ang talento sa pagluluto sa Tambobong Cookfest 2025 Junior Chef Edition
- Published on October 8, 2025
- by @peoplesbalita
NAGPAKITA ng kanilang talento sa pagluluto sa Tambobong Cookfest 2025 Junior Chef Edition ang pitong koponan ng mga student-chef mula sa iba’t ibang paaralan sa Malabon at dalawa mula sa mga kalapit na lungsod, sa isang engrandeng selebrasyon ng pagkain, pamana, at komunidad na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na ginanap sa Malabon Sports Complex.
Ang bawat koponan ay nagpakita ng malabon-inspired dish na sumasalamin sa mayamang gastronomic na pagkakakilanlan ng lungsod at isa ang nakakuha ng reputasyon ng Malabon bilang isang tunay na kanlungan ng pagkain.
Ito ang ikatlong Tambobong Cookfest na pinangunahan ng City Tourism and Cultural Affairs Office (CTCAO), na pinagsasama-sama ang mga aspiring chef para sa isang araw ng lasa, kulay, at kasiyahan.
“Sa pamamagitan ng Tambobong Cookfest, hindi lang natin ipinagdiriwang at itinatampok ang ating masasarap na pagkain, kundi pinagmamalaki rin natin ang galing at talento ng mga Malabueño. Kasama na rin ang kultura at tradisyon ng ating lungsod. Saludo kami sa mga kabataang lumahok sa aktibidad na ito dahil ipinakita ninyo ang inyong dugong Malabueño na tunay na magagaling,” ani Mayor Jeannie Sandoval.
“Sa loob ng tatlong taon ay ipinapalamas natin ang ating angking galing at talento sa pagluluto upang tawaging Malabon the City of Flavors and Heritage,” sabi naman ni CTCAO Officer-in-Charge Ms. Catherine Larracas.
Makalipas ang isang oras na pagluluto at intense judging, idineklarang champion si Gavin Yhuri Tiotangco at Yuto Villaluna, ng Concepcion Technical Vocational School na nag-uwi ng premyo ₱45,000 at ₱3,000 para sa best plating, 1st runner-up si Ela Nicole Mendoza and Karl Jheremie Quintana, ng Arellano University–Jose Rizal Campus na nag-uwi ng P35,000 premyo habang 2nd runner-up naman sina Shane Destiny Garfin at Aaliyah Ramos, ng Malabon City Techvoc and Entrepreneurship Senior High School na nagwagi ng P25,000 premyo.
Binati ni Mayor Sandoval ang lahat ng mga nanalo at kalahok, at pinuri ang kanilang pagkamalikhain at hilig sa pagtataguyod ng pamana sa pagluluto ng Malabon.
“Through Tambobong Cookfest, we are not only celebrating delicious food but also honoring the creativity and heritage of Malabueños. This is our way of passing down flavors and stories to future generations,” pahayag naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete.
“Malabon’s food is a reflection of our people—resilient, flavorful, and full of life. Tambobong Cookfest continues to bring us together as one community.” dagdag niya. (Richard Mesa)