• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malabon, pinalakas ang partnership sa Filipino-Chinese communities

PINALAKAS ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang partnership nito sa Filipino-Chinese communities sa pagdiriwang ng 3rd Filipino-Chinese Cultural Festival, na nagpapakita ng mga makukulay na tradisyon, mayamang kasiningan, at isang shared spirit na tumutulay sa mga kultura at pagsasama-sama ng mga tao.

Ang cultural festival, ay may temang “Isang Bayan, Isang Diwa: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (One Nation, One Spirit: Unity in Diversity),” bilang culminating activity ng isang linggong pagdiriwang ng National Arts Month na pinangunahan ng City of Malabon University (CMU), Philippine Malabon Cultural Institute, Malabon Chamber of Commerce and Industry, at iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod na ginanap sa kahabaan ng C4 Road sa Barangay Longos.

“Isang napakasaya at napakakulay na gabi na puno ng pagkakaisa at pagpapala! Sa ating ikatlong Filipino-Chinese Cultural Festival, ipinakita natin ang napakagandang ugnayan sa pagitan ng mga komunidad sa gitna ng pagkakaiba. Ang ugnayang ito ay ating pinapalakas para sa patuloy na pag-unlad ng bawat buhay, kultura, at tradisyon. Sa pagkakataong ito, ating ipinapamalas ang talento at kakaibang ganda ng kasaysayan, tradisyon, kultura, at sining na ating ipinagmamalaki,” ani Mayor Jeannie Sandoval.

Naghatid din ng mensahe ang Ambassador ng People’s Republic of China sa Pilipinas na si His Excellency Jing Quan na nagha-highlight sa partnership ng Filipino-Chinese communities at matatag na partnership sa pagitan ng Filipino at Chinese community.

Tampok sa pagdiriwang ang makukulay at masiglang pagtatanghal ng mga awit at sayaw mula sa iba’t ibang grupo habang pinarangalan ng pamahalaang lungsod ang dalawang mestisong Filipino-Chinese na ipinanganak sa Malabon na may malaking kontribusyon sa edukasyon, kasaysayan, tradisyon, at kultura hindi lamang ng Malabon, kundi sa bansa.

Tampok rin ang mga produktong pagkain at non-food mula sa mahigit 30 kalahok na micro at small enterprises sa pangunguna ng Local Economic Development and Investment Promotions Office na naglalayong palakasin ang lokal na ekonomiya.

Bilang bahagi ng mga aktibidad, inorganisa ng City Tourism and Cultural Affairs Office ang Malabon Plein Art Caravan, na nagpapakita ng mga talento ng mga lokal na visual artist na lumikha ng on-the-spot na mga painting ng San Bartolome Church, Immaculate Concepcion Parish, at iba pang mga eksenang nagpapakita ng pang-araw-araw na buhay sa Malabon.

Isinagawa rin ng mga mag-aaral mula sa Malabon National High School ang Cultural Immersion Field Trip themed “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting, PAGTITIPON: Weaving Filipino and Chinese Heritage in Malabon.” sa mga makabuluhang kultural at makasaysayang pook na sumasalamin sa kasaysayan ng mga pamayanang Pilipino at Tsino.

Binigyang-diin naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete na ang pagdiriwang ay sumasalamin sa matatag na pangako ng Malabon sa inklusibong pamamahala at pagtutulungan sa kultura. (Richard Mesa)