Malabon LGU, nakiisa sa International Coastal Clean-Up Day
- Published on September 23, 2025
- by @peoplesbalita
NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval sa International Coastal Clean-Up Day sa Mega Dike, Brgy. Dampalit kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa paglilinis at pagtatanim ng mga puno upang mapangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang kaayusan ng kapaligiran.
Ani Mayor Jeannie, ang pagkilos na ito ay isang paalala na ang kalikasan ay responsibilidad ng lahat sa patuloy na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga organisasyon, at mamamayan, ay makakamit ang isang mas ligtas at mas maayos na kinabukasan para sa susunod na henerasyon. (Richard Mesa)