Makinarya ng gobyerno, siniguro na gumagana para sa mga residenteng posibleng maapektuhan ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon
- Published on June 15, 2023
- by @peoplesbalita
SINIGURO ng pamahalaan na gumagana ang makinarya ng gobyerno sa harap ng patuloy na pagbabantay sa aktibidad ng Bulkang Mayon sa Albay gayundin sa Taal at Kanlaon.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang, kumikilos ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para tugunan ang anumangĀ pangangailangan ng mga maapektuhang residente ng pinangangambahang pagputok ng bulkan.
Sa katunayan aniya ay tumawag na rin sa kanya si Defense Secretary Gibo Teodoro at nag-alok ng logistics ng kanilang ahensiya.
Bukod dito, nakausap na rin aniya niya si DILG secretary Benhur Abalos at nangakong magpapadala ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Samantala, sa pamamagitan ni Abalos, ang royal family ng Arab Emirates ay nagpadala na ng 50 toneladang food items sa bansa. (Daris Jose)