• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maiingay na pasahero, ipagbawal sa PUVs

UMAPELA sa Department of Transportation (DOTr) ang isang transport company na ipagbawal sa mga public utility vehicles ang mga  pasahero  na maiingay.

Ang apela ay ginawa ni Metrolink Bus Company senior consultant Ritchie Manuel nang malaman na ang ingay ng mga pasahero ang dahilan ng pagwawala ng PWD sa loob ng bus na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA-Guadalupe  nitong nagdaang linggo.

Ang PWDs na nag-viral nitong Biyernes ay iisa noong Hunyo na pinagtulungang bugbugin ng mga pasahero at konduktor.

“Itong ating PWD ay kilala sa buong EDSA Busway na ayaw niya yung maingay. Maaari siguro yung bata naglalaro ng kaniyang cellphone kaya ito na-trigger,” ayon kay  Manuel.

Aniya napapanahon na upang maglabas ang DOTr ng kautusan para mapanatili ang katahimikan sa loob ng mga PUVs.

Giniit din nito sa mga kaaanak ng mga PWDs na samahan ang mga ito kung lalabas ng tahanan lalo na kung sasakay sa mga pampasaherong sasakyan.

Bukas anya ang  Metrolink Bus Company na magbigay ng training kung paano ma- handle ang kaha­lintulad na insidente.