• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit $700-K halaga ng cocaine nakumpiska sa border ng US at Mexico

NAKAKUMPISKA  ang US ng cocaine na nagkakahalaga ng $700,000.

 

 

Ayon sa US Customs and Border Protection, nasabat nila ang nasabing droga sa Hidalgo Bridge ng US-Mexico border na tawid lamang ng Rio Grande, Texas at Tamaulipas, Mexico.

 

 

Base sa imbestigasyon, hinarang nila ang isang kahina-hinalang van at ng siyasatin nilang mabuti ay lumantad ang 37 pakete ng cocaine na may bigat na 92.72 pounds.

 

 

Nauna rito noong nakaraang buwan din ay nakakumpiska ang mga otoridad ng nasa $310,700 halaga ng cocaine sa parehas din tulay.

 

 

Sri Lankan president nagdeklara ng state of emergency

 

 

Nagdeklara si Sri Lanka’s President Gotabaya Rajapaksa ng nationwide public emergency dahil sa mga nagaganap na karahasan sa nasabing bansa.

 

 

Dahil dito ay maaring arestuhin ng mga otoridad ang sinumang magiging banta sa gobyerno kahit na wala itong mga warrant of arrest.

 

 

Paliwanag ng nasabing pangulo na kaya nito ipinatupad ang nasabing state of emergency ay para na rin sa kapakanan at katahimikan ng mga mamamayan.

 

 

Nakaranas kasi ng economic crisis ang nasabing bansa na mayroong 22 milyong populasyon kung saan napipilitang pumila ang mga tao sa iba’t ibang pamilihan.

 

 

Dahil sa economic crisis ay nagsagawa ang ilang residente ng kilos protesta.