Mahigit 31-K pamilya sa MIMAROPA at Western Visayas, apektado na ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro
- Published on March 16, 2023
- by @peoplesbalita
INIULAT ng NDRRMC na patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog naMT Princess Empress sa bahagi ng Oriental Mindoro.
Sa datos ng NDRRMC, umabot na sa 31,497 ang bilang ng mga pamilya mula sa lalawigan ng MIMAROPA at Western Visayas ang naapektuhan na ng malawakang oil spill mula sa nasabing oil tanker, habang pumalo na sa 13,654 na mga magsasaka at mangingisda ang naapektuhan naman ang mga kabuhayan.
Sa isinagawang coordination meeting ngayon ng ilang opisyal ng NDRRMC, at mga representative ng ilang local government units ay tinalakay ng mga ito ang mas pagpapaigting pa sa ipinapatupad na reinforcement para sa nagpapatuloy na response operations sa mga lugar na apektado ng naturang oil spill.
Ayon kayNDRRMC Executive Director at Civil Defense Administrator, USEC. Ariel Nepomuceno, kaugnay nito ay magkakaroon ng “Integrated interventions” ang gobyerno para sa pagtugon sa epektong dulot ng oil spill.
Habang inaasahan din ang pagdating sa bansa ng isang vessel mula sa bansang Japan para tumulong sa naturang insidente.
Samantala, bukod dito ay iniulat din ng kagawaran na nitong March 14, ay umabot na sa PHP23.9 million ang katumbas na halaga ng kabuuang assistance na ipinamahagi na ng OCD, DSWD, LGUs, DOH, at mga non government organization para sa mga naapektuhan ng nasabing malawakang oil spill. (Daris Jose)