• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:30 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mahigit 150-K pamilya, apektado ng habagat at magkakasunod na bagyo – NDRRMC

SUMAMPA na sa 159,197 pamilya o katumbas ng mahigit 600,000 indibidwal ang naapektuhan na ng pinagsamang epekto ng habagat, nagdaang bagyong Mirasol at Super Typhoon Nando.

Base sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Miyerkules, Setyembre 24, ang mga sinalanta ng kalamidad ay mula sa 11 rehiyon kabilang na sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, National Capital Region, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Bunsod nito, aabot sa mahigit 8,000 pamilya ang inilikas patungo sa mga evacuation centers habang mahigit 4,000 pamilya naman ang nasa ibang lugar.

Ayon sa ahensiya, mayroong apat na napaulat na nasawi bunsod ng epekto ng mga kalamidad subalit kasalukuyan pang biniberipika ang mga ito.