Magsayo todo ang paghahanda sa laban nila ni Vargas
- Published on July 4, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni WBC featherweight champion Mark “Magnifico” Magsayo na ito ay nasa tamang kondisyon sa paghaharap niya kay Rey Vargas isang linggo bago ang kanilang laban.
Sinabi ng Filipino Olympic boxer na halos 200 rounds ng sparring ang kaniyang ginagawa kung saan gumanda na ang kaniyang timbang.
Inaasahan kasi niya na magiging malaking hamon ang nasabing laban dahil wala pang talo ang 31-anyos na Mexican sa 35 na laban nito na minsan ay naging world super bantamweight champion.
Noong Enero kasi ay tinalo ni Magsayo si Garry Russel Jr.
Gaganapin ang laban ni Magsayo kay Vargas sa Hulyo 9 sa Alamodome, Texas.