Magpo-propose at pakakasalan uli: RUFFA, ‘di sineseryoso si YILMAZ na gustong makipagbalikan
- Published on March 13, 2025
- by Peoples Balita

Ayon kay Ruffa, madalas na raw silang nagkaka-usap. At nagsabi raw ito na gustong mag-propose muli sa kanya.
“Sabi niya, gusto raw niyang mag-propose muli sa akin at pakasalan ako. Sabi ko naman, is that a joke?!”
Hindi na pala nag-asawang muli si Yilmaz.
Natatawang hirit ni Ruffa, “He cannot find anyone like me, ‘no!”
Inamin naman ni Ruffa na masaya siya, lalo na sa mga anak na sina Lorin at Venice. Nawala raw ang pain o bitterness sa puso ng mga ito na meron ang mga ito sa mahabang taon.
Mukhang hindi naman sineseryoso ni Ruffa ang tila pagpapalipad hangin sa kanya ng dating asawa.
Natatawa lang ito at nang tanungin namin kung wala bang nati-threatened na may ganyan silang palitan ng usap ni Yilmaz, mabilis ang sagot niya na, “Naku wala!”
Saka natatawang isinunod na, “Confident!”
Mas younger looking at kapansin-pansin na rin ang pagpayat ni Ruffa. Talagang important raw sa kanya ang maging healthy. Five times a week daw siyang mag-gym.
At bukod dito, malaking tulong daw kay Ruffa ang bagong ine-endorso na Luxe Skin Glowlotion, Soft Matte Lip Cream at Luxe Slim ng “I Am G, Glowing Ruffa G” with the CEO and founder na si Anna Magkawas.
***
Direk MIKE, naging stroke victim sa panahon ng pandemic
LABING-ANIM na taon na pala nang huling gumawa ng pelikula ang director na si Mike Sandejas.
Ang huling dalawang pelikula niya na ‘Dinig Sana Kita’ at ‘Tulad ng Dati.’
Isa na rin ang obvious flight ng local cinema kung bakit tumigil siyang gumawa ng pelikula. Instead, gumawa muna siya ng mga ilang brand shoot. Naging stroke victim din siya sa panahon ng pandemic. Pero after 16 years, tulad ng pelikula niyang “Sinagtala, The Movie” ng Sinagtala Productions, nakita raw niya ang purpose niya to do films na puwedeng makapagbigay purpose rin sa mga manonood.
Very proud si Direk Mike sa pagbabalik pelikula niya. Kaya umaasa siya na marami ang manood sa sinehan simula sa showing nito sa April 2.
Proud din siya sa mga bida ng “Sinagtala” na sina Rayver Cruz, Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Arci Muñoz at Matt Lozano. May kanya-kanyang pinagdadaanan ang kanilang karakter na siguradong marami ang makakaka-relate.
“Sinagtala The Movie” is written and directed by Direk Mike na bawat isang karakter ng mga bida also resonates in him.
Excited kaming mapanood ito sa mga sinehan. Fan kami ng mga dati niyang pelikula kaya gusto naming makita ang bago niyang io-offer ngayon.
(ROSE GARCIA)