Magpapaka-daring sa serye nila ni Paulo: KIM, bagay na i-remake ang ‘Burlesk Queen’ ni VILMA
- Published on October 17, 2025
- by @peoplesbalita
NAG-LEVEL UP na si Kim Chiu sa kanyang pagiging actress.
Sa bagong teleserye nila Paulo Avelino na “The Alibi” ay gagampanan ni Kim ang isang bar dancer na mai-involve sa character ng aktor.
Makakabanggaan ng tsinitang aktres sa serye si Sofia Andres.
In all fairness, trailer pa lang ng “The Alibi” ay makikita na bagay kay Kim ang kanyang role at mo-convince ka talaga na dancer sa club, na gumigiling sa pagsasayaw at paghubad ng bra na ikinaiinit ng katawan ng male customers.
Siyempre bago mag-umpisang mag-taping si Kim, ay inaral muna nito ang kanyang character. At yes, dagdag factor na rin yung mahusay sumayaw ang Kapamilya actress kaya she gave justice to her role. Saka eversince ay malakas talaga ang chemistry nina Kim at Paulo.
Ayon naman sa netizens, bagay raw kay Kim na mag-remake ng 1977 movie ni Vilma Santos na “Burlesk Queen.”
Nakatakdang ipalabas ang “The Alibi” ngayong November 7 sa Prime Video.
***
HAWAK pa lang siya noon ng talent manager at recording artist na si Baltazar ay kilalang mahusay na performer na itong si Gabriela.
Ang singer na hawig ang boses kay Bonnie Tayler at sumikat sa kantang kinompos ng hit maker na si Vehnee Saturno na “Natatawa Ako” na kanyang naging signature song.
At infairness kay Gabriela kapag naiimbitahan siya sa fiesta at mga out-of town shows ay dinudumog talaga siya ng mga tao, na majority ay kanyang fans.
At bukod sa magandang boses na nakakanta ng iba’t-ibang genre o any type of songs, ay husay-husay rin nitong magpatawa ng kanyang audience.
Dahil total performer, ay hanggang ngayon ay napaka-indemand pa rin ni Gabriela, sa kaliwa’t-kanang shows na madalas ay sa mga music bar.
Pino-promote pa rin niya ang 2024 single na “Iyi-iyak Ko Na Lang” na sagot raw ng maganda at sexy singer sa hit song na “Natatawa Ako”.
(PETER S. LEDESMA)