Magko-compete ang movie sa Palme d’Or ng Festival de Cannes: SYLVIA, muling rumampa para sa red carpet premiere ng ‘Renoir’
- Published on May 20, 2025
- by @peoplesbalita

Isa kasi ang Nathan Studios na pag-aari nina Sylvia sa mga producer ng pelikula, katuwang din nila ang film producer na si Alemberg Ang.
Ang “Renoir” ay coming-of-age story tungkol sa isang Japanese student na si Fuji Okita (Yui Suzuki) noong 1980s na aktibong daydreamer, ang pelikula ay nagtatampok ng sequence shot sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Ang “Renoir” na mula sa panulat at direksyon ni Chie Hayakawa, ay isa sa mga pelikulang magko-compete para sa Palme d’Or, ang top prize ng Festival de Cannes. Pinagsanib na produksyon sa pagitan ng Japan, Philippines, Singapore, Indonesia, at France.
Minarkahan nito ang pagbabalik ng Pilipinas sa competitive category sa unang pagkakataon mula noong 2016 kasama ang “Ma’ Rosa” ni Brillante Mendoza, na pinagbidahan ng yumaong Cannes Best Actress winner na si Jaclyn Jose.
Nakatanggap naman ang magagandang reviews at papuri ang “Renoir”…
“A delicate and touching Tokyo-set portrait of a girl’s loneliness” – The Hollywood Reporter.
“A film that at once offers too little and too much in terms of its protagonist’s story, and comes up short in delivering an emotional punch.” – icsfilm.org
“This vibrant coming-of-age story is driven home by an unforgettable young performance.” – Collider
“Quiet Japanese drama looks at death through a young girl’s eyes.” – The Wrap
Patuloy ngang gumagawa ng ingay ang Nathan Studios sa paghahatid ng mga kakaibang pelikula na gusto nilang ibahagi sa mga Pinoy viewers, kaya sobrang nakaka-proud.
Tunay ngang kaabang-abang ang next movies nila tulad nitong “Renoir’, na pinupuri nga ng mga nakapanood.
Hinihintay din namin ang “Moonglow” na pinagbibidahan nina Cong. Arjo Atayde at Isabel Sandoval, na siya ang nag-direk.
Isa pa sa na-acquire ng Nathan Studios ang 2024 Korean comedy-drama movie na ‘About Family’ na pinagbibidahan ni Lee Seung-gi.
And next month, magsisimula nang mag-shooting sina Sylvia para sa “I’m/Perfect” na possible entry sa 51st Metro Manila Film Festival.
***
SUPORTADO ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng dalawang klasikong pelikula na “Magic Temple” at “Hiling.”
Ito’y matapos bigyan ng angkop na klasipikasyon ng Board ang dalawang pelikula mula sa ABS-CBN’s “Sagip Pelikula.”
Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) ang dalawang pelikula. Ibig sabihin, pwede ito sa pamilyang Pilipino at sa mga batang edad 12 at pababa na may kasamang nakatatanda.
Unang ipinalabas noong 1996, ang”Magic Temple” ay mula sa direksyon nina Peque Gallaga at Lore Reyes, na may temang pagkakaibigan, katapangan at mahika.
Ang “Hiling” (1998) ay mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes at pinagbidahan ng mga batang aktres na sina Camille Prats, Shaina Magdayao at Serena Dalrymple.
Tungkol ito sa isang batang babae na natutupad ang anumang kahilingan. Pagmamalasakit, pagiging hindi makasarili at aral mula sa ninanais ang ilang mapupulot sa pelikula.
Ang suporta ng Board ay bahagi na pagsisikap ng MTRCB na maisulong ang mayamang pamana ng ating bansa mula sa sining ng pelikula.
Suportado ito ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio.
“Ang mga restored na pelikula ay hindi lamang isang obra kundi yaman ng ating mayamang kultura,” sabi ni Sotto-Antonio. “Patuloy nating susuportahan ang mga ganitong inisyatibo na nagsusulong ng responsableng panonood habang ipinagdiriwang ang mga natatanging obra ng ating bansa.”
Patuloy naman ang kolaborasyon ng Board sa mga producer, distributor at mga organisasyon na nais mapanumbalik ang linaw at ganda ng mga klasikong pelikula.
(ROHN ROMULO)