• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maging handa sa mga hamon, totoong laban nagsisimula pa lang, maging tapat sa pagsisilbi sa bayan’

BINIGYANG-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 310 graduates ng Philippine Military Academy (PMA) MADASIGON Class of 2023 na maging handa sa mga hamon na kanilang kakaharapin ngayong magsisimula na sila sa kanilang serbisyo publiko.

 

 

Sabi ng Pangulo ang mga kadete ay hinasa at hinubog ng akademya para maging magagaling na mga opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

 

 

Ayon sa Pangulo ang totoong laban ay nagsisimula pa lamang kaya nararapat lamang na maging handa ang mga ito.

 

 

Ang mga nararanasang realidad sa likod ng security environment ng bansa ang palaging nag-uudyok sa militar para maging handa sa anumang banta na kahaharapin.

 

 

Binigyang-diin ng Chief Executive na ang mga purveyors ng kriminalidad, insurhensiya at terorismo ay siyang dakilang hadlang sa hangaring makamit natin ang kapayapaan. (Daris Jose)