• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magiging active na uli sa singing at acting career: KC, dapat nang seryosohin ang pagda-diet para magbalik-alindog

MAGIGING active na raw uli sa kanyang showbiz career si KC Concepcion.
Balitang ang pagre-recording muna ng bagong single ang pagkakaabalahan niya. At susunod na raw ang paggawa nito ng teleserye, sa hindi pa dini-divulge na TV network.
Pero baka sa GMA-7 na raw natin siya mapapanood at recently lang ay nag-guest siya sa top-rating showbiz talk show ni Kuya Boy Abunda sa Kapuso Network na “Fast Talk With Boy Abunda.”
Ang ganda ng interview ni Kuya Boy, sa singer-actres kung saan sinagot ni ya ang tanong ng Asia’s King of Talk kung ready na ba siya to settle down.
Yes, ang sagot rito ni KC basta yung right guy for her ang pakakasalan niya.
Well, medyo heavy lang ng konti si KC, kaya dapat nitong seryosohin ang pagda-diet para bumalik ang dati nitong alindog.
I’m sure, happy si Megastar Sharon Cuneta sa comeback ng kanyang eldest daughter at susuportahan niya ang anak for sure.

***

Beaver, nagpakilig at nagpaiyak sa “When Magic Hurts”

GUSTONG-GUSTO naming mapanood ang movie ng Star Magic Talent na si Beaver Magtalas na “When Magic Hurts” dahil puro trailer lang nito ang aming napapanood sa Youtube.
At curious na rin kung bakit pawang maganda ang review kina Beaver at Mutya Orquia sa kanilang first team-up movie.
Madaling araw pa lang noong October 26, ay bumiyahe na kami from Quezon City to SM City Cabanatuan.
Hayun as expected, puno ang private screening ng “When Magic Hurts” sa Cinema 5, kung saan suportado ng fans niyang mga estudyante si Beaver.
So, ito na nga bukod sa sobrang lakas ng chemistry sa big screen nina Beaver as Earnest Buenaventura, a rich polite hobbyist photographer at Mutya bilang Olive na hardworking and cheerful and bubbly florist sa Atok Benguet.
Bilang first timer to play a lead role ay sobrang husay ni Beaver sa movie. Nakipagsabayan ang guwapong actor kay Mutya at sa gumaganap niyang daddy sa movie na premyadong veteran actor na si Soliman Cruz.
Iba rin silang magpakilig ni Mutya rito at grabe sampung beses kaming pinaiyak ng dalawa sa kanilang mga dramatic scenes. At sila talaga ni Mutya ang nagdala ng pelikula nilang ito.
At napaluha kami sa eksenang lumuhod si Beaver sa daddy na si Soliman at makiusap na huwag silang iwan ng kanyang mommy na si Angelica Jones. Mahusay ang pagkakagawa at direk ni Gabby Ramos ng 2024 film niyang ito.
Samantala after screening, ay aming na-witness kung gaano kabait at magiliw sa kanyang mga tagahanga si Beaver, na nakikipag-kuwentuhan at lahat ay pinagbibigyan niyang maka-photo op.
Ramdam na very sincere si Beaver sa pagmamahal at care sa kanyang fans.
Catch him, sa mga susunod pang private screening ng “When Magic Hurts”.

(PETER S. LEDESMA)