• November 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: November 22, 2025
    Current time: November 22, 2025 12:40 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MADRASAH EDUCATION PROGRAM, LUMUSOT NA

PASADO na sa ikalawang pagbasa ang panukalang ordinansa sa Maynila na magpapalakas sa Madrasah Education Program.
Layunin nitong isama ang community-based Islamic schools sa sistema ng edukasyon ng lungsod sa pamamagitan ng mekanismong para sa akreditasyon, curriculum standardization, at pagbibigay ng teknikal at pinansiyal na suporta sa mga guro na matagal nang naglilingkod nang boluntaryo.
Ayon kay Councilor Elmer Par, tinatayang 50,000 Muslim ang naninirahan sa Golden Mosque area kaya’t mahalagang mabigyan ng pormal na suporta ang Madrasah.
Binibigyang-diin naman ni Councilor Lou Veloso ang pangangailangan ng standardized curriculum upang masiguro ang kalidad ng edukasyon habang napapanatili ang Islamic values.
Pinuri ni Vice Mayor Chi Atienza ang ordinansa bilang hakbang tungo sa mas inklusibong pamayanan sa Maynila. (Gene Adsuara)