• February 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Madalas gayahin ang labas dilang pose ng aktor… SHEENA, kinakiligan ang ipinost na photo kasama si ALDEN

HINDI lang nagti-trending, pero may mga kinikilig sa iponost na picture ni BINI Sheena Catacutan kasama ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Si Sheena pala, madalas gayahin ang labas dilang pose ni Alden. Ang dami nga naming nakitang picture ni Sheena na kuhang-kuha nito ang known pose ng actor.

Hindi lang talaga malinaw sa amin kung saan sila nagkitang dalawa, pero base sa suot nila, lalo na ni Sheena, mukhang nagkasama sila sa isang event. Ang BINI at si Alden.

Sa IG story caption ni Sheena, sinabi niya na, “It’s an honor pooo @aldenrichards.”

Hayan na shippers, pasok!

***

WALA raw special na ganap sa kaarawan ni Heart Evangelista ngayong Valentine’s Day.

Kumpara sa mga past birthday celebration niya na talagang magarbo at pabongga talaga, this time, mukhang low profile ang misis ni Senator Chiz Escudero.

Hindi naman kami magtataka dahil sigurado, knows ni Heart at mga taong nakapaligid sa kanya na kung magpapaka-grand celebration siya at makikitang gagastos ng husto– kahit pa sabihin na ito ay mula sa kanyang sariling pera, tiyak na lalo lang siyang mababash at mapag-iinitan.

Eh, yung Paris Fashion Week na kasama niya ang ina, napakarami pa rin naming nabasa na nega comments at batikos.

(ROSE GARCIA)