• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:20 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MACALINTAL PINADI-DEKLARANG UNCONSTITUTIONAL ANG PAGPAPALIBAN SA BSKE ELECTION

PINADI-DEKLARANG unconstitutional sa Korte Suprema ang batas na nagpapaliban sa Disyembre 2025 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ni Election Lawyer Romulo Macalintal.
Sa kanyang petisyon , iginiit ni Macalintal na hindi maaaring ipagpaliban ang halalan sa kadahilanang pagsasaayos ng termino sa panunungkulan ng mga opisyal ng BSK.
“The term of office of BSK officials had been fixed by law and, yet, their tenure in office appeared to vary with the vagaries of politics. Accordingly, with due respect, retroactive changes in terms of office – or legislated extension of tenure of incumbent officials – should be not be allowed to remain unchecked,” saad sa petisyon.
Kamakailan, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12232 bilang batas na naglilipat sa Disyembre 2025 BSKE sa unang Lunes ng Nobyembre 2026.
Si Macalintal ay isa sa pinakamahusay na naghain ng petisyon ayon kay retired Supreme Court Justice Antonio Carpio. (Gene Adsuara)