Maayos ang paglipat sa Triple A mula sa Star Magic… DJ JHAI HO, hindi isyu na tawaging ‘sir’ dahil paggalang pa rin ‘yun
- Published on January 12, 2026
- by @peoplesbalita
PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access to Artists o Triple A management.
Maayos daw ang hiwalayan nila ng Star Magic na siya niyang dating management.
Lahad ni DJ Jhai Ho, “Yes po. Ang kumuha sa akin sa Star Magic was Mr. Johnny Manahan po, that’s why kung makikita niyo sa social media post ko, recently I was invited sa isang event and nagkasalubong kami ni Mr. M doon and yung pinost ko nga na malaki yung pasasalamat ko sa kanya.
“At kahit nung nagka-transition naman po hindi din naman ako kinalimutan ni Tita Mariole [Alberto, dating executive ng Star Magic] and ni Mr. M na kamustahin, at kung ano’ng mga plans.
“Nung nagpaalam po ako kay direk Lauren [Dyogi] at sa handler ko po, kay Tita Cris Navarro, hindi po siya yung basta paalam na thru text lang po, personal ko po silang pinuntahan sa office at personal po akong humingi ng basbas at sinabi ko po na ako po ay… gusto ko po na mag-explore naman at walang masamang, walang pagbu-burn ng bridge.
“Nung una po hindi agad-agad, naghintay kami ng mga two months kasi parang nagbigay din po sila ng offer po, pero sabi ko nga po dahil okay naman po ang relationship ko with them, ako po ay susubok po at uuwi dun sa pamilya naman na matagal na rin namang sumusuporta at nagmamahal rin sa akin, which is ang All Access po. “Kaya naging matagal kasi nung time na yun nasa World Tour concert sina direk Lauren, hinintay ko lang siyang bumalik para personal na nandito siya, bago ko rin makalimutan siyempre dati din akong co-managed ni Tatay Ferdie Bautista ng Artist Gallery po, ganun din po, maraming luha, nag-iyakan din naman kasi ang tagal namin.
“Mula nung projects ko na teleserye sa ABS-CBN dati and every hosting po, sila yung kasama ko.
“Maayos kasi last November 7, I’m still part of the Bida Kapamilya pa rin naman ng ABS-CBN, nagho-host pa rin ako sa kanila at okay po yung pag-e-exit ko with Star Magic, maayos po lahat at hindi po ako pumirma ng may sama ng loob sa kanila, lahat po ay idinaan sa tamang proseso po.”
Winelcome siya ng mga big bosses ng Triple A; sina Jacqui Cara(Head of Operations and Sales), Michael Tuviera (CEO and President) at Jojo Oconer (COO and Chief Financial Officer).
Officially, kailan natapos ang contract niya sa Star Magic at kay Ferdie?
“Kay Tatay po medyo matagal na, parang verbal na lang po yung aming pagsasama. Sa Star Magic po kung hindi po ako nagkakamali, first quarter of this year, kasi po hindi po talaga ako nag-sign kasi akala po namin ni Ate Jacqui matagal na… actually last year pa, nagkakausap na po kami hindi as my manager, kundi as my Ate po, na pag may bago akong project nagsasabi talaga ako kay Ate Jacqui, kung ano po yung ginagawa ko, kahit na mga outside na po sa trabaho, nagkukuwento po talaga ako kay Ate Jacqui.
“Tapos tinimbang po namin kung sure na ba talaga na may… na interested po talaga sina Sir Jo and sina Sir Mike and of course, the rest of All Access Artist family, kaya po natagalan.
“Tapos nung nagpaalam po hindi agad-agad kasi na parang go, ganyan, may mga naging pag-uusap din po sa kabila, kina Tita Cris and direk Lauren po,” pagbabahagi pa ni Jhai Ho.
Social issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga LGBTQI+ community, ano ang opinyon ni Jhai Ho tungkol dito?
“Ako po naniniwala na parang lahat naman po ay kanya-kanyang opinyon, pero ako po ay… dahil ako po ang tinatanong, hindi po issue sa akin ang tawagin akong ma’am or sir.
“The fact po kasi… naniniwala po ako na the fact na tinawag akong sir, ito po ay ginamit na itawag sa ‘yo as paggalang pa rin naman po.
“Sa mga estudyante ko po nung nagturo ako sa Lyceum, sinabi ko po agad-agad ‘yan, ‘Huwag kayong mataranta or matakot akong tawaging sir.’
“Kasi okay lang din naman sa akin kahit na kuya, kahit anong itawag, wala pong problem sa akin.
“But I do understand where my co-LGBTQI+ community is coming from po, kapag sila po ay very sensitive pagdating sa bagay na ‘yan, kasi iba-iba po yung paniniwala ng bawat tao, iba-iba po yung kanilang tingin sa ganitong usapin, kaya po nirerespeto ko lang din po sila at yung iba pa pong nagsasabi ng mga opinyon nila.
“Ang importante lang talaga po dapat ay maging kind tayo ang respect each other po, dun pa lang po okay na po yun sa akin.”
(ROMMEL GONZALES)