Maapektuhan kaya ang mga kontrata at endorsements nila?: JERALDINE, inaming hiwalay na sila ni JOSH at co-parenting kina NIMO at JETTE
- Published on February 22, 2025
- by Peoples Balita

Nakahihinayang dahil ang minahal ng hindi lang mga Pinoy, maging ibang lahi na The Blackman family ay hindi na buo bilang isang pamilya. Inamin ni Jeraldine na hiwalay na raw sila ni Josh.
Sa mga hindi nakakakilala pa rin, sina Jeraldine at Josh ang mag-asawang Filipina/Australian, based in Australia, pero sa Instagram pa lang ay umabot ng 3.2 million ang followers at talagang natutuwa at minahal ang pamilya nila, kasama siyempre ang mga cute nilang anak na sina Nimo at Jette.
Pero yun nga, ayon kay Jeraldine, hiwalay na raw sila at nag-desisyon na maging co-parenting pa rin for Nimo and Jette.
Bahagi ng kanyang pahayag habang umiiyak sa loob ng sasakyan, “I’m sorry if you’re seeing me like this. I have been trying to find the right time. When I’m gonna get a courage for me to post this one online.
“Anyway, Josh and I have separated. We’re good friends. I just know that he’s a good person. And he is the best father that Jette and Nimo could ever have. Josh was the one who introduced me to Christian life.
“Again, he’s the one who made me become like this. And without him, I’m just so lucky that Jette and NImo have him. We are gonna be co-parenting.”
Nagpasalamat si Jeraldine sa lahat ng suporta at pagmamahal na natatanggap nila. Habang feeling naman namin, marami rin ang mag-aabang kung paano na ang magiging pagtanggap sa kanila na hindi na sila buo bilang isang pamilya.
Maapektuhan din kaya ang mga kontrata at family endorsements nila?
***
MAKAKASAMA na rin sa hanay ng mga negosyo na kinabibilangan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang pagiging isang restaurateur.
Inanunsiyo na ng actor sa naging renewal of contract nila bilang MESA Restaurant’s ambassador na sa Road to 100 ng MESA, ang ika-88th restaurant ay siya na ang magiging franchisee o may-ari.
Hindi muna sinabi ni Dingdong kung saan ang location na napili niya, pero, sigurado na raw na sa pang-88th branch ng Mesa ay sa kanya na. Suportado naman siya rito ng kanyang misis na si Marian Rivera na alam naman ng lahat na mahilig ding magluto.
Pwede nga rin na sa mismong branch nila, may twist na may maio-offer na menu talaga ni Marian.
Sa isang banda, all praises ang mga may-ari o bossing ng Mesa kay Dingdong bilang ambassador ng restaurant sa loob halos ng anim na taon na.
(ROSE GARCIA)