Maaaring masampahan ng kaso dahil sa land deal: ARNELL, tanggap ang pagkasibak sa OWWA at sasagutin ang isyu sa proper forum
- Published on May 22, 2025
- by @peoplesbalita

Ito at kaugnay ng diumano P1.4-billion pesos land deal.
Mismong si Malacañang press officer Claire Castro ang nagkumpirma na may ipinadala ng letter of complaint laban sa TV host-actor at public servant sa Office of the President.
Kasalukuyang iniimbestigahan na raw ang umano’y maanomalyang P1.4-billion land acquisition deal ng OWWA na dapat sana’y aprubado raw ng Board of Trustees ng ahensiya bago irerelis.
Kaugnay naman dito ay binanggit pa ng pumalit sa puwesto ni Arnell na si Hans Cacdac na hindi raw nag-resign ang dating komedyante/host kundi tinanggal ito dahil nga sa nabanggit na kontrobersyal land acquisition deal ng OWWA.
Kung matatandaan, nagsilbing OWWA administrator noong 2022 si Arnelli matapos manilbihang deputy administrator last 2018 na italaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa phone interview naman kay Arnell ay sinabi nitong nakatakdang sasagutin niya raw ang lahat ng isyu sa “proper forum.”
Aminado rin siya na ikinagulat niya ang mga akusasyon laban sa kanya, huh!
***
UMIIWAS pa ring magsalita ang aktor tungkol sa pagkakasibak sa kanya bilang OWWA Administrator.
Pinayuhan nga raw siya na umiwas at hindi na muna magsalita hinggil dito.
Nagbigay lang ng statement si Arnell nung lumabas ang desisyon ni President Bongbong Marcos na papalitan na siya ng Migrant Workers Undersecretary Patricia Caunan.
“Kung ito ang desisyon ng Palasyo, wala akong sama ng loob. Sa lahat ng OFWs at OWWA employees na naging parte ng aking panunungkulan, maraming salamat ,” banggit pa ni Arnell
“Naglingkod ako nang buong puso, at mananatili akong tagasuporta ng mga OFW saan man ako dalhin.” Dagdag pa niya.
Halos lahat na mga OFW na nagko-comment sa ilang online news ay hindi naniniwala sa ibinibintang sa kanya.
May ilan ding taga-showbiz na nagpo-post sa kanilang social media account kung gaano nila kakilala ang dating OWWA administrator.
Kami man ay naniniwala na may kinalaman ang pulitika sa nangyaring ito sa aktor.
Samantala katatapos lang ni Arnell ng pelikulang ‘Jackstone 5’Cna in-affiliate pa naman niya sa OWWA.
Wala raw tinanggap na talent fee si Arnell sa pelikulang yun.
“Hindi puwede. Kasi hindi mo maipaghihiwalay e. Kakailangan nung project ‘yung consultation e,” katwiran pa niya.
Bago mag-eleksyon ay natapos na nila ang shooting nung pelikulang iyun na tumatalakay sa kuwento ng limang magkakaibigang bading na nag-OFW.
Kaya maiko-connect daw nila sa programang pino-promote ng OWWA.
(JIMI C. ESCALA)