LUMUBOG NA MOTORBANCA, 1 PA NAKITA NA
- Published on January 21, 2026
- by @peoplesbalita
NAKITA na ang isa sa 15 sakay ng isang motorbanca na lumubog sa karagatan sakop ng Davao Occidental sa nagpapatuloy na Search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG).
Batay sa inilabas na Notice to Mariners ng Coast Guard Station Davao Occidental, huling nakita ang MBCA Amejara kahapon ng hapon sa karagatang sakop ng Saranggani.
Ayon kay PCG Spokesperson Captain Noemie Cayabyab , isinaaktibo ng PCG ng PCG ang kanilang SAR units para hanapin ang mga nawawalang pasahero at crew nang matanggap ang ulat .
Kabilang sa mga sakay ng motorbanca ang 11 pasahero at 4 na tripulante.
Kaugnay nito, inabisuhan ang lahat ng sasayang pandagat at mga mangingisda na dadaan sa Davao Gulf at mga kalapit na lugar na maging mapagmatyag sakaling makita ang mga sakay ng bangka.
Hiniling din ng Coast Guard sa mga ito na tumulong kung kakayanin at agad na ipaalam sa pinakamalapit na Coast Guard Unity .( Gene Adsuara)