• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:28 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO, TUTULONG SA PNP-ANTI CYBERCRIME GROUP PARA SUGPUIN ANG MGA GUMAGAWA NG PEKENG LISENSYA

INATASAN ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez ang Land Transportation Office (LTO) na patuloy na makipagtulungan sa Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) upang sugpuin ang mga indibidwal na nagbebenta ng pekeng identification cards gaya ng driver’s license.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hikayatin ang publiko na gamitin ang eGov application para sa lehitimong transaksyon ng mga ID.
Sinabi ni LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza na hindi titigil ang ahensiyang hanapin ang mga indibidwal sa likod ng ilegal na paggawa ng driver’s license at ibang government-issued ID.
“This is one of the positive events sa cybercrime division para masugpo na itong pekeng lisensya. Tuloy-tuloy lang tayo rito,” ani Asec. Mendoza sa press conference kasama sina Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, PNP-ACG Diredtor Bernard R. Yang, LTO at Philhealth.
Sa press conference, ipinresenta ng PNP-ACG ang dalawang suspect na nahuling gumagawa ng mga pekeng ID at lisensya sa Valenzuela niyong Lunes.
Nahuli sa dalawang suspect ang iba’t ibang ID, printer at ibang kagamitan para sa paggawa ng pekeng ID.
Tiniyak din ng LTO na pag-aaralan ang pag-improve sa security features ng lisensya para hindi madaling magaya ng mga gumagawa ng pekeng IDs.
(PAUL JOHN REYES)