LTFRB: Muling pinalawig ang deadline ng PA ng mga traditional jeepneys at UV Express
- Published on January 4, 2025
- by Peoples Balita

MULING pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline ng provisional authority (PA) ng mga traditional jeepneys at UV Express units ng isang taon.
Ayon sa LTFRB, ang validity ng mga PAs ng mga individual operators ng traditional jeepneys at UVs ay sa darating pa ng Dec.31, 2025. Muling binuksan ang aplikasyon sa consolidation noong nakaraang Nov. 29,2024.
“The extension will cover only operators who have pending applications for consolidation in line with the government’s public vehicle modernization program (PUVMP),” wika ni chairman Teofilo Guadiz
Sa ilalim ng Memorandum Circular 2024-043, sinabi ng LTFRB na kinakailangan palawigin pa ang deadline ng validity ng PAs dahil madami pa ang mga aplikasyon sa consolidation ang nakahain sa board’s central at regional offices na wala pa resolusyon.
Sinabi naman ng Manibela, ang grupong tutol sa PUVMP, na nangangahulugan lamang na ang nasabing memo ay nagpapatunay na ang program sa PUVMP ay isang malaking pagkabigo. Dagdag pa ng grupo na ang extension ay binigay dahil upang maiwasan ang posibleng kakulangan sa pampublikong transportasyon kapag ang mga modern jeepneys lamang ang papayagan na tumakbo sa mga lansangan.
Sa kabilang dako naman, isang grupo naman ng mga tricycle sa Metro Manila ang naghain ng reklamo dahil sa tumataas na bilang ng mga motor taxis sa Central Luzon at CALABARZON na walang ginawang kunsultasyon.
Sa isang press conference na ginawa sa Quezon City, hiniling ng National Confederation of Tricycle Operators (NPTC) sa pamumuno ni president Ariel Lim, na magkaron ang pamahalaan ng moratorium sa ginagawang expansion ng motor taxis sa buong bansa na ayon sa kanila ay may masamang epekto sa kanilang operasyon.
“We were taken aback that there are 2,500 units per company operating in Region 3, and 8,000 others in Region IV-A. Motor taxi operators have shifted to these regions because there is a filed petition stopping the increase in Metro Manila,” sabi ni Lim.
Ayon sa kanila na hindi naman sila tutol sa operasyon ng mga motor taxi sapagkat ang hinihiling lamang nila sa pamahalaan ay ihinto na ang pagbibigay ng PA sa tumataas na bilang ng mga motor taxis sa buong bansa.
“Let us respect our appeal. Tricycle drivers are no longer earning because those motor taxi drivers can directly pick up their passengers inside villages,” dagdag ni Lim. LASACMAR