LTFRB, INAPRUBAHAN NA ANG MGA PETISYON NG TRANSPORT GROUPS PARA SA DAGDAG-PASAHE
- Published on March 23, 2026
- by @peoplesbalita
UPANG mapanatili ang balanse sa kapakanan ng milyun-milyong mananakay at interes ng sektor ng pampublikong transportasyon, inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng patnubay ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, ang mga petisyon ng transport groups para sa dagdag-pasahe.
Ipinaliwanag ni LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II na ang komputasyon para sa dagdag-pasahe ay dumaan sa masusing pag-aaral at deliberasyon, kalakip ang datos mula sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).
“Ang desisyong ito na sumasaklaw sa lahat ng uri ng land public transportation ay patunay ng tunay na malasakit ng pambansang pamahalaan sa kapakanan ng sektor ng transportasyon, habang pinangangalagaan ang interes ng pangkalahatang commuting public,” ani Chairperson Mendoza. “At ito ay napapanahon dahil ang sektor ng transportasyon ay kasalukuyang humaharap sa seryosong hamon dulot ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo bilang epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan,” dagdag pa niya.
Mga Dagdag-Pasahe
• Tradisyunal na jeepney: Dagdag na ₱1 sa minimum fare (mula ₱13 naging ₱14) at ₱0.20 kada susunod na kilometro (mula ₱1.80 naging ₱2.00).
• Modern jeepney: Dagdag na ₱2 sa minimum fare (mula ₱15 naging ₱17) at ₱0.10 kada susunod na kilometro (mula ₱2.20 naging ₱2.30).
• Airport taxi: Dagdag na ₱40 sa flag-down rate (mula ₱75 naging ₱115). Walang pagbabago sa succeeding 300 meters at two-minute waiting time charge.
• TNVS: Dagdag na ₱20 sa base fare.• Sedan: ₱65 (mula ₱45)
• AUV: ₱75 (mula ₱55)
• Hatchback: ₱55 (mula ₱35)
• Premium: ₱165 (mula ₱145)
Walang dagdag sa per kilometer at per minute travel time.
• Metro Manila at city buses:• Ordinary: Dagdag ₱2 sa minimum fare (₱13 → ₱15) at ₱0.24 kada susunod na kilometro (₱2.25 → ₱2.49).
• Aircon: Dagdag ₱3 sa minimum fare (₱15 → ₱18) at ₱0.33 kada susunod na kilometro (₱2.65 → ₱2.98).
• Provincial buses: Dagdag ₱1 sa unang limang kilometro. Dagdag kada kilometro:• Ordinary: ₱0.30 (₱1.90 → ₱2.20)
• Deluxe/Super Deluxe: ₱0.35 (₱2.10 → ₱2.45)
• Luxury: ₱0.45 (₱2.90 → ₱3.35)
Ang mga petisyon para sa ordinary taxi at UV Express ay kasalukuyang nasa deliberasyon.
Mga Kondisyon
• 20% diskwento para sa senior citizens, PWDs, at mga estudyante tuwing pasok sa eskwela.
• Provisional approval para sa provincial buses kahit inaasahan ang pamamahagi ng ₱5,000 fuel subsidy.
Mga Dahilan ng Pagtaas
• Pagtaas ng maintenance at operational costs mula 7.54% (2022) hanggang 54.29% (2024).
• Geopolitical tensions (Ukraine war, Middle East conflict).
• Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa mula 2022.
• Halimbawa: Manila–Baguio trip (246 km) → ₱542 mula ₱469 (dagdag ₱73).
• Sa 50-seater bus, dagdag kita ₱3,650.
• Fuel cost tataas ng ₱4,920 (246 liters × ₱20/liter increase).
Ang bagong fare adjustment ay ipatutupad sa sandaling makakuha ng fare matrix ang mga operator at maipaskil sa kanilang mga unit. (PAUL JOHN REYES)