LRT-2 at MRT-3 may libreng sakay sa mga kababaihan ngayong International Women’s Day
- Published on March 9, 2023
- by @peoplesbalita
NAGLAAN ng libreng sakay para sa mga kababaihan ang Light Rail Transit o LRT 2 kahapon araw ng Miyerkoles, Marso 8.
May kaugnayan ito sa pagdiriwang ng International Women’s Day.
Nagsimula ito mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at babalik ito ng alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Ang first trip ng LRT-2 sa Recto Station sa Antipolo ay simula ng alas-5 ng umaga at ang las trip ay aalis sa Recto Station ng alas-9:30 ng gabi.