lpinag-utos ang kagyat na pagsira nito… PBBM, ininspeksyon ang ₱8.87B halaga ng nabawing FLOATING SHABU
- Published on June 25, 2025
- by @peoplesbalita

“No less than the President ordered PDEA to destroy the floating meth as quickly as possible. After the President’s inspection, the contraband will be destroyed in less than 24 hours in a location to be made public later”, ang sinabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R Nerez.
Para sa wawasaking illegal na droga sa pamamagitan ng thermal decomposition ay ang 1,304.604 kilograms ng pakete ng shabu, na may tinatayang street price na ₱8,871,307,200.00, na natuklasan na inaanod sa katubigan ng lalawigan ng Zambales, Pangasinan, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Cagayan.
At dahil walang taong nahuli at walang criminal case ang maisasampa, ang illegal na droga ay sisirain sa pamamagitan ng written order na ipinalabas ng PDEA Director General.
Ang wastong inventory ng illegal na droga sa harap ng kinakailangang testigo, ang pagsasagawa ng forensic laboratory examination, at pagpapalabas ng prescribed reports ay isasagawa.
Maliban sa natuklasang shabu, nakatakda ring sunugin ang 226.043 kilograms ng assorted dangerous drugs na nagkakahalaga ng ₱609 million na nasamsam mula sa iba’t ibang anti-drug operations at ipinag-utos ang pagsira sa bisa ng court orders.
Sa kabilang dako, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa mga law enforcement agencies ng bansa na paigtingin ang seguridad at proteksyon ng coastlines at iba pang maritime routes para maiwasan ang mga pagtatangka sa hinaharap ng drug smuggling.
Para naman sa PDEA, nananatiling matatag ang ahensiya na protektahan ang mga mamamayang Filipino sa pamamagitan ng pangunahan ang laban kontra sa ilegal na droga, magtatag ng
partnerships sa mga komunidad, maritime stakeholders, at iba pang law enforcement agencies para bantayan ang pambansang baybayin laban sa posibleng pagpasok ng ilegal na droga.
Samantala, isang malaking karangalan naman para sa PDEA ang presensiya ni Pangulong Marcos. Ang pagdating Pangulo ay maituturing na ‘powerful statement’ na nagapakita ng matibay na commitment at determinasyon para tuldukan ang salot na ilegal na droga. (Daris Jose)