Logan Paul pormal ng pumirma sa WWE
- Published on July 7, 2022
- by @peoplesbalita
SUMALI na sa World Wrestling Entertainment (WWE) ang kontrobersyal na American YouTube star Logan Paul.
Sa kanyang social media ay nagpost ito ng larawan ng pagpipirma ng kanilang kontrata sa WWE headquarters.
Kasama niya sa nasabing larawan ang wrestler na si Triple H at Stephanie McMahon.
Sabay din ng larawan ang paghamon niya kay MIke “The Miz” Mizanin.
Magugunitang noong nakaraang taon ay nakaharapn niya sa exhibition fight si retired US boxer Floyd Mayweather.
Mayroon lamang na opisyal na laban si Paul sa kaniyang record noong 2018 kung saan nabigo siya sa kapwa YouTuber na si KSI noong Agosto 2018.