• April 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng sakay sa LRT at MRT sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, iminumungkahi ng mambabatas

NEWS 3 IMINUMUNGKAHI ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña nitong Lunes ang libreng sakay sa LRT at MRT sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.

Ayon kay Cendaña, dapat bigyan ng prayoridad ng gobyerno ang public mass transportation bilang katugunan sa mga commuters at publiko.

Nanawagan si Cendaña sa Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng libreng LRT at MRT rides sa mga piling araw para mahikayat ang publiko na gumamit na lamang ng public transport habang tumataas ng presyo ng langis sa gitna ng kaguluhan sa Middle East.

“Kung kinaya ng DOTr na gawing pamasko sa mga commuters ang free MRT rides, kayang-kaya rin nating gawing libre ito habang may kinakaharap tayong krisis. Commuters will bear the brunt of the rise in fuel prices. Kahit papaano kung may libreng sakay maiibsan nila yung taas presyo ng petrolyo at mga bilihin,” ani Cendaña.

“During these times of crisis, the government must hold the hands of our citizens — Akbayan natin sila,” dagdag nito.

Sinabi ni Cendaña ang obserbasyon ng karamihan ay dapat bigyan pansin ang public mass transportation imbes na gumamit ng kanilang sasakyan.

“Dahil kapos tayo sa mass transportation, those with resources opt to drive cars while ordinary workers have to settle for inefficient public transport options. Sana ngayong may krisis maging impetus ito para bigyan ng pamahalaan ang publiko, mayaman man o mahirap, ng de kalidad na mass transportation,” sinabi ni Cendaña.
(Vina de Guzman)