Letran target ang 8th win
- Published on October 22, 2022
- by @peoplesbalita
PAKAY ng defending champion Colegio de San Juan de Letran na masikwat ang ikawalong panalo sa pagharap nito sa Arellano University sa pagpapatuloy ng NCAA Season 98 men’s basketball tournament ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.
Magpapang-abot ang Knights at Chiefs sa alas-3 ng hapon matapos ang pukpukan ng Jose Rizal University at San Sebastian College-Recoletos sa alas-12 ng tanghali.
Nasa ikaapat na puwesto ang Letran bitbit ang 7-3 marka sa ilalim ng nangungunang College of Saint Benilde na may 8-2 baraha at Lyceum of the Philippines University na may 8-3 kartada.
Ikatlo naman ang Jose Rizal tangan ang 5-2 marka.
Kaya naman nais ng Knights na mapatatag ang kapit nito sa top 4 upang mapalakas ang tsansang makapasok sa semis.
Sa kabilang banda, naghahabol din ang Arellano na makalikom ng panalo para mas mapaganda ang kanilang puwesto sa standings.
Nasa ikaanim ang Chiefs hawak ang 4-5 baraha.
Galing ito sa dalawang sunod na kabiguan.