• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 10:51 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Law enforcers, tutugisin ang mga small-scale drug dealers- PBBM

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tugisin ng mga nagpapatupad ng batas ang mga small-scale drug dealers habang mahigpit na pinagtitibay ang due process sa anti-drug operations nito.
Sinabi ng Pangulo na magsasagawa ang kanyang administrasyon ng anti-drug campaign nang hindi gumagamit ng pagpatay o hindi pumapatay.
“So ngayon, in the same vein, part of the lesson of this election, let’s go back to ‘yung sa grassroots level. Kung inaalala ng tao, sinasabi, nagbabalikan (ang drugs) dito, sige, tuloy natin ‘yung malalaking drug bust,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Tuloy natin… ikukulong natin ‘yung mga sangkot diyan sa drugs. Pero tingnan na muna natin ‘yung mas small offender,” dagdag na wika nito.
Sa katunayan, kinausap na ni Pangulong Marcos si Interior Secretary Jonvic Remulla at sinabihan ito na hindi magandang makita ang mga lugar na nakararanas ng paglaganap ng ilegal na droga.
Binanggit din ng Pangulo ang pangangailangan na dagdagan ang police visibility sa mga lugar na talamak ang ipinagbabawal na gamot.
“Sinabihan ko na nga ang DILG, nakausap ko si Sec. Jonvic. Sabi ko, tama rin naman, kasi hindi magandang tingnan ‘yung lugar mo maraming nagbebenta, maraming – maraming mga high na kung ano-ano ginagawa,” ayon kay Pangulong Marcos.
“That’s why ‘yung aming na – bagong ano is ‘Cops On The Beat,’ na may tao doon. Kasi kung may tao doon, walang ginawa ‘yan, araw-araw umiikot nang umiikot, alam niya lahat ‘yan,” dagdag na wika nito.
Tiniyak naman ng Pangulo na habang ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ay nakatutok sa mga s’mall drug dealers’ magsasagawa pa rin ng ‘due process.’
“Kasi talaga, iniwasan ko, ‘yung basta may suspect siya o may hinala o may sumbong, basta kung huli, papatayin na lang, di ba? Ah, wala. ‘Yun, doon kami lumayo,” ani Pangulong Marcos.
Sa kabilang dako, magpapatuloy naman ang operasyon laban sa mga ‘big time syndicates.’
“Hindi naman namin ititigil ‘yung mga operation,” ang pagtiyak ng Pangulo. (Daris Jose)